#DTBY Make Your Own Script

#DTBY #MakeYourOwnScript #JustForFun

Sa isang eksena sa Destined To Be Yours (GMA Network).

Sa isang beach, tinarayan at nilait-lait ng ina ni Trish si Sinag. Resbak ni Sinag…

Sinag: (Mabilis na pagsasalita)

Miss babaeng bangus. FYI lang po. Never na naging kami ni Benj. Niligawan lang niya ako upang makamkam ang lupa namin. Nawala na ang lupa namin, at kahit isang kusing, wala pa kaming natanggap dahil sa hinayupak na mayor na kasabwat niya. Kaya kung may lalaking kinasusuklaman ako sa buong mundo, si Benjie yun.

Lalapit si Trish sa eksena at mula naman sa likuran ni Sinag ay papalapit si Benjie. Patuloy ni Sinag.
 
Sinag: Kaya Trish… (Sabay hablot sa braso ni Benjie at tinulak sa dibdib sa kinatatayuan ni Trish). Iyong-iyo na si Benj. Tutal ayoko ng mestiso. Gusto ko moreno. Kaya nga si Badong ang boyfriend ko, eh. … Kiss mo nga ‘ko, love.
 
Hinalikan naman ni Badong si Sinag na tila may kurot sa mukha ni Benjie. Buwelta uli ni Sinag. 
Sinag: (Humarap kay Benjie at Trish. Pakutya) Alam niyo, bagay kayo. Isang tisoy, isang tisay. Pati biyenan, Tisay. Malamang pag nagkaanak kayo, transparent!
Sabay talikod nina Sinag at ng kaniyang tropa.